Isaac

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Para sa ibang gamit, tingnan ang Isaac (paglilinaw).
Isaac
Sacrifice of Isaac-Caravaggio (c. 1603).jpg
Kapanganakan
Kamatayanunknown value
AnakJacob, Esau
Mga magulang
Mag-anakIsmael

Si Isaac ang nag-iisang anak nina Abraham at Sara, batay sa Lumang Tipan o Bibliyang Hebreo. Nangangahulugan ang kanyang pangalan ng "siya ay tatawa".[1] Katumbas ito ng Isjaq sa Hebreo. Siya ang ama nina Jacob at Esau.[1] Itinuturing siya bilang isa sa mga patriyarka ng mga Hudyo. Ayon sa Aklat ng Henesis, isangdaang taong gulang na si Abraham noong ipanganak si Isaac.[1][2][3] Si Isaac ang may pinakamatagal na buhay sa lahat ng mga patriyarka. Nabuhay siya magpahanggang sa edad na 180 mga taon. Siya lamang ang natatanging patriyarkang hindi binago ang pangalan, at siya rin ang nag-iisang patriyarkang hindi umalis mula sa Canaan, bagaman isang beses na sinubok niyang lumisan ngunit sinabi sa kanya ng Diyos na huwag gawin ito. Kapag inihambing sa iba pang mga patriyarkang nasa mga pahina ng Bibliya, hindi gaanong makulay ang kanyang kuwento. Bagaman isang pangunahing tauhan sa mga kabanatang 18 hanggang 27 ng Aklat ng Henesis, naglalaman lamang ang mga ito ng iilang mga pangyayaring may kaugnayan sa kanyang buhay.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C. (2000). "Isaac, Isjac, "siya'y tatawa"; Pagsilang ni Isaac". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 35.
  2. Long, Dolores; Long, Richard (1905). "[http://adb.scripturetext.com/genesis/21.htm Isaac]". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com. External link in |= (tulong)
  3. "Isaac". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008., nasa Ang Kapanganakan ni Isaac



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.